Connect with us

National News

Mangingisda na 46-araw na nawawala at nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip sa Batanes

Published

on

PHOTO: Philippine Coast Guard/Facebook
Matapos ang 46-araw na paglutang-lutang sa dagat, himalang nasagip ang isang mangingisda sa karagatang sakop ng Basco, Batanes.
Ayon sa 49 anyos na mangingisdang si Robin Dejillo, residente ng Purok Rosas, Barangay Dinahican, Infanta, Quezon, nagawa niyang makatagal sa karagatan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig ulan, mga nahuhuling isda at bunga ng niyog na lumulutang sa dagat.
Naireport na nawawala si Dejillo noong August 4, 2024 matapos sumakay ng maliit na bangka na FBca Leah June para maghanap ng bagong fishing ground pero hindi na ito nakabalik sa kanilang mother boat matapos maubusan ng krudo.
Nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG sa mga karagatan ng Quezon at Aurora pero hindi nila ito natagpuan.
Nito lang Setyembre 19, naispatan ang kanyang sinasakyang puting motorbanca na nasa 15 kilomentro ang layo mula sa dalampasigan ng Batan Island.
Dinala ng PCG ang bangka ni Dejillo sa pantalan ng Basco, Batanes at nakipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para madala ang nanghihinang mangingisda sa Batanes General Hospital.
Kapag nasigurong maayos na ang kondisyon nito, balak ng PCG na ihatid siya pauwi sa Infanta, Quezon.