Connect with us

National News

Marcos, Pinasinayaan ang Programang Food Stamp ng DSWD

Published

on

Marcos, Pinasinayaan ang Programang Food Stamp ng DSWD
Photo Courtesy: Bongbong Marcos Facebook Page

Kahapon ika-18 ng Hulyo, 2023, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pilot implementation ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Tondo, Manila.

Ang programang ito ay isa sa mga bagong prayoridad ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na naglalayong mabawasan ang kagutuman sa mga pamilyang may mababang kita sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng access sa monetary-based na tulong sa anyo ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card, na lalagyan ng food credits.

“The problem of hunger and malnutrition still remains. And that’s why it has become a priority of this government. It is not enough that we just provide all kinds of food, but also it is of a nutritional value,” sabi ng Pangulo, kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa kickoff event ng proyekto sa Don Bosco Youth Center. Halos 3,000 na pamilyang may mababang kita na kinilala sa pamamagitan ng Listahanan 3 ng DSWD ang magiging pilot beneficiaries ng programa.

Ang mga pilot areas ay kasama ang National Capital Region (NCR), Cagayan Valley, Bicol Region, Caraga Region at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa loob ng pilot implementation mula Hulyo hanggang Disyembre, ang mga beneficiaries ng programa ay makakatanggap ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 bawat buwan. Ang mga ito ay maaaring gamitin upang bumili ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon mula sa mga DSWD-accredited na partner retailers.

Ang kalahati ng food credits, o P1,500, ay itatalaga para sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrates tulad ng kanin at tinapay; 30 porsyento (P900) para sa mga protina tulad ng manok o baboy; at 20 porsyento (P600) para sa mga gulay, prutas, mantika, asin, o iba pang mga condiments.

“This is a continuing part of all that we have tried to do so as to be able for us to achieve ‘walang gutom’ or no more hunger. That is the dream of this administration,” sabi ng Pangulo. Ang Food Stamp Program ay ipapatupad sa tulong ng World Food Program at ng Asian Development Bank.

Ang programang ito ay hindi lamang pansamantalang solusyon, ayon kay Gatchalian. Ang mga beneficiaries ng programa ay kinakailangang dumalo sa mga training para sa capacity building at development, at maging bahagi ng labor workforce.