National News
Martial Law, Maaring opsyon kung patuloy parin sa Paglabag ang mga tao-Pres. Duterte
Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng Martial Law kung patuloy parin ang mga taong lumalabag sa Enhanced Community Quarantine.
Sa kanyang National Address April 16, 2020 kagabi sinabi nito na pinapahanda niya na umano ang mga kapulisan at militar para sa striktong pagbabantay sa social distancing at curfew.
Gagawin lamang ng Pangulo ito kung patuloy parin siyang makakatanggap ng report may kaugnayan sa mga pasaway at walang disiplinang hindi sumusunod sa ipinatutupad na lockdown.
Hindi rin pinalagpas ni Duterte ang mga tumatanggap ng benepisyo galing sa gobyerno kung saan hindi napupunta sa pagkain ang pera kundi sa kanilang bisyo.
Gayunpaman ipa-aaresto ng Pangulo at kakasuhan ang mga lumabag at lalabag pa rito.
Sa kabilang dako, hiniling ni Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang siyam na mga ospital na tinanggihan ang mga pasyente ngayong nakakaranas parin tayo ng krisis.
Dagdag pa ng Pangulo may mga protocols na dapat sundin ang ospital para sa kanilang mga pasyente.
Aniya ang ospital ay lugar para sa mga may sakit na dapat maresulba ng mga namamahala dito.
Sa ngayon ipinahahanda na ni Pangulong Duterte ang mga ospital para maglagay ng kwarto para sa mga taong nadapuan ng Covid-19.
Pinaalahanan din niyang maging mga Crematorium ay huwag samantalahin para taasan ang kanilang presyo.