Connect with us

National News

Mas magandang kinabukasan inaasahan para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea

Published

on

Mas magandang kinabukasan inaasahan para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naniniwala siya na ang koordinasyon sa China ay nakakatulong sa pagpapagaan ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa isang pahayag noong Martes, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkakaroon na ng kaunting progreso sa usapang may kinalaman sa mga karapatan ng mga mangingisda ng Pilipinas.

Kahit na may mga ulat pa din ng presensya ng mga barkong Tsino sa West Philippine Sea na patuloy na nakaka-aapekto sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

Nagpahayag din si Marcos ng ulat tungkol sa sinundang Philippine vessel ng barkong pandagat ng China, malapit sa Pag-asa island na pag mamay ari ng Pilipinas.

“Sa pinakabagong ulat, sinusundan lang ng barkong Tsino ang Philippine vessel. Hindi na katulad ng dati na talagang hinaharangan ng China ang sasakyan,” ani Marcos sa mga mamamahayag.

“Nagkakaroon tayo ng kaunting progreso sa aspetong iyon,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Marcos na patuloy ang pag-uusap ng kanyang administrasyon sa China, kabilang ang pagkakaroon ng finshing ban sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Nauna nang ibinunyag ng pangulo na inihahanda ng kanyang administrasyon ang isang “mapa” ng mga pangingisdaan sa pinagtatalunang karagatan na kanilang i-po-propose sa Beijing. Sinabi niya na sumang-ayon ang East Asian giant na talakayin ang usapin.

“Hindi naman dumadating ang mga bagay na ito nang mabilisan,” ani Marcos. “Medyo mabagal nga, pero unti-unti tayong nagkakaroon ng progreso dahil talagang mahalaga ang mas maayos na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng pamahalaan ng China.”