Connect with us

National News

Matagalang pagkawala sa piling ng pamilya, maaaring batayan sa pagwawalang-bisa ng kasal – SC

Published

on

Matagalang pagkawala sa piling ng pamilya, maaaring batayan sa pagwawalang-bisa ng kasal - SC

Itinuturing ng Korte Suprema na “psychological incapacity” ang “unjustified” na pagkakalayo sa pamilya na nagtatagal ng dekada.

Sa isang ruling na nilagdaan ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, pinawalang-bisa ng Supreme Court Second Division ang kasal ng isang petitioner dahil umano sa “psychological incapacity”. Dahil umano sa matagal na pagkawala sa tahanan ay hindi na natutugunan ng respondent ang kanyang mga tungkulin bilang asawa.

“The respondent’s infidelity, failure to give support to his wife and children, and unjustified absence from his family are all indicative that he is not cognizant of the duties and responsibilities of a husband and father,” ayon sa desisyon ng korte.

Ayon sa pagdinig, nagpakasal ang complainant at respondent noong 1984 at naghiwalay matapos ang sampung taon dahil nagbago umano ang ugali ng lalaki. Kinalauna’y nagpakasal din ang lalaki sa dalawa pang babae.

Taliwas umano ang pag-alis ng lalaki sa tahanan sa Article 68 of the Family Code na nagsasabing ang mag-asawa ay oligado na tumira sa iisang bahay at panatilihin ang “mutual love, respect, and fidelity, and render mutual help and support.”