Connect with us

National News

MAYO 10 NA DEADLINE SA DISTRIBUTION NG SAP SUBSIDY, WALA NG EXTENSION – DILG

Published

on

Wala ng extension ang May 10 na deadline para sa mga local government units sa pagdi-distribute ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program it gobyerno.

Ito ang ipinahayag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya base naman sa pahayag ni DILG Sec. Eduardo Ano.

Maaalala na nauna ng pinalawig ni Ano ang deadline mula Mayo 7 hanggang sa naging Mayo 10 dahil reklamo ng iilang lugar na may malaking populasyon kasama na ang National Capital Region (NCR), Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu at Davao City.

Nagbabala naman Si Ano sa mga LGUs na mabigong makaabot sa May 10 na deadline ay makakatanggap ng show cause order mula sa ahensya.

Ayon naman kayo Malaya, umaabot na sa 85.49% ang cash aid distribution sa buong bansa.