National News
MEDICAL AT HEALTHCARE PROFESSIONALS, PAPAYAGAN NG GOBYERNO NA MAGTRABAHO SA IBANG BANSA
Inanunsyo ng Inter-agency Task Force (IATF) na maari ng magtrabaho sa ibang bansa ang mga medical at healthcare professionals kahit pa kailangan sila dito sa Pilipinas ngayong may COVID 19 pandemic.
Ayon kay IATF spokesman Karlo Nograles, palalagdain na lang sila ng deklarasyon na nauunawaan nila ang peligro ng pagbyahe sa ibang bansa.
Ayon rin kay Pangulong Duterte na Hindi niya masisisi ang mga health workers na mag-a-abroad.
Matatandaan na nagpatupad ng travel ban ang POEA sa mga medical professionals para matugunan ang kakulangan ng mga healthcare workers sa bansa sa gitna ng COVID 19 crisis.
Continue Reading