Connect with us

National News

Meta tinanggal ang higit 400 Facebook accounts dahil sa disinformation at misinformation bago ang 2022 halalan

Published

on

Meta Facebook

Sinuspinde ng Meta Platform kahapon, Abril 6, ang mahigit 400 accounts, pages at groups bago ang halalan sa Pilipinas, ito lamang ang isa sa mga ginagawa ng Facebook parent upang mabawasan at matanggal ang hate speech, misinformation, at disinformation.

Kabilang sa mga accounts ang “a network of over 400 accounts, Pages, and Groups in the Philippines that worked together to systematically violate our Community Standards and evade enforcement.”

Tinanggal rin ang mga iba pang accounts na may kaugnay sa New People’s Army, isang banned organization.

May mga nag-aalala at nagsasabi na lalong tumaas ang bilang ng mga online hate speech dahil ang mga candidates at ang kanilang mga taga-suporta ay naka-tuon sa social media para sa halalan sa Mayo 9 sapagkat na-disrupt ang tradisyonal na campaign methods dulot ng coronavirus pandemic.

Noong nakaraang buwan, pinilit ng mga presidential candidates ng bansa na kailangang panagutin ng mga social media companies ang pagkalat ng maling impormasyon.

Sinabi ng Meta sa isang blog post noong Miyerkules na kailangang kumpletuhin mg mga advertisers sa Pilipinas ang ad authorizations process, kabilang dito ang ‘Paid for by’ disclaimers sa mga ads patungkol sa elections, politics at iba pang categories ng mga social issues.

Ginawa ang hakbang na ito ng Meta, matapos nilang palitan ang kanilang stance noong nakaraang buwan kung saan pansamantalang pinahintulotan nila ang “calls for violence and narrowed its content moderation policy to prohibit calls for the death of a head of state,” para sa Ukraine.

(Rappler)

Continue Reading