National News
METRO MANILA, LAGUNA AT CEBU CITY, NASA MODIFIED ECQ HANGGANG MAYO 31
Ipinanatili ni Pres. Rodrigo Duterte ang Metro Manila at dalawang urban centers sa modified enhanced community quarantine dahil sa dami pa din ng kaso ng COVID 19, samantala nasa low risk naman ang natitirang mga lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque magtatagal hanggang Mayo 31 ang modified ECQ sa Metro Manila, Laguna province at Cebu City sa Visayas.
May total na 16M ang popolasyon ng nasabing tatlong mga lugar.
Ayon kay Pres. Duterte sa kanyang recorded public address na inere kanina, hindi na kakayanin ng gobyerno ang second o third wave ng coronavirus infections. Ito na anya ang ikatlong extension at revision na sumasakop sa ECQ simula ng ito ay ipatupad noong March 17.
Ang COVID 19 response task force ng gobyerno ang nag classify sa general community quarantine o GCQ areas sa low at moderate risk. Ang nga lugar naman sa ilalim ng ECQ ay kinokunsiderang high risk.
Base sa data ng DOH hanggang kahapon umaabot na sa 11,086 ang kaso sa Pilipinas simula ng pumutok ito noong Jan. 30. Sa nasabing numero may 726 na ang namatay at 1,999 ang gumaling.