COVID-19
Metro Manila nasa “Critical risk” na – Duque
Metro Manila nasa “critical risk” na para sa COVID-19 transmission base sa virus case trends, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kahapon ng Martes.
Ayon kay Duque, ang Metro Manila na ang may pinakamataas na COVID-19 two-week growth rate (TWGR) na nasa 1,475 percent at mayroon rin itong 8.79 average daily attack rate (ADAR).
Ang ADAR ay tumutukoy sa porsyento ng at-risk population na nahawaan ng virus sa loob ng specific time period.
Inanunsyo ito ni Duque isang araw matapos i-classify ng Department of Health na ang Pilipinas ay nasa high risk para sa COVID-19 transmission.
Dagdag pa nito, ang bansa ay mayroon ng 448 percent TWGR at 1.66 ADAR.
Samantala, ang CALABARZON (Region 4A) ay nasa “high risk” na rin na mayroong 557 percent TWGR at 1.60 ADAR.
Itinaas na rin ang classification sa Central Luzon (Region 3) sa “moderate risk” matapos makitaan ng pagtaas ng ADAR, mula sa 0.91, ngayon, nasa 339 percent na.
Lahat naman ng iba pang mga rehiyon, ayon kay Duque, ay nasa “low to minimal risk” para sa COVID-19 transmission.
Inulat rin ng DOH na mayroong 5,434 bagong kaso sa buong bansa, na kung saan ang 3,826 o 71 percent na naitala ay galing sa Metro Manila.
(Source: Inquirer.net)