Connect with us

National News

Mga board, licensure at bar exams dapat ng alisin – Bello

Published

on

Exam

Kinuwestiyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pangangailangan ng mga bar at board exams at pinag-iisipan niyang irekomendang tanggalin na lang ang mga ito.

Sa isang virtual press briefing kahapon, nirekomenda ni Bello sa Philippine Nurses Association at Board of Nursing na “to do away with [licensure] examination.”

“Napakamahal kumuha ng kursong nursing. Kukuha sila ng four years, after graduating, kukuha sila ng board exam. Bakit pa kailangan ng board exam eh ilang exam ang dinaanan nila sa nursing?” aniya.

“Do they not trust these schools where these nurses came from, especially kung ‘yung school na pinanggalingan nila ay accredited by CHEd (Commission on Higher Education)?” dagdag ni Bello.

Sabi ni Bello na dapat ang kanyang ideya “must be seriously considered” ng gobyerno.

“So sabi ko pag-aralan na ‘yan and then we can recommend to Congress na tanggalin na ‘yung mga exam exam na ‘yan. Gastos sa ating mga nurses. ‘Pag grumaduate na, nakuha na lahat ng kailangang pag-aralan nila, [dapat] pwede nang magpractice, hindi na kailangan ng examination,” aniya.

Bukod sa nursing, para kay Bello, ang mga licensure exams para maging, engineer, dentist at lawyer ay dapat ring tanggalin.

“Dapat alisin na ‘yung mga board exam sa mga engineer, board exam sa dentistry, bar exam. Eight years ka nang nag-aaral para maging abogado, pumasa ka na sa lahat ng exam, kukuha ka pa ng Bar?” he stressed.

Ayon rin sa kanya na ang mga nag-top sa Bar ay hindi kasing husay kapag nagsasagawa sila ng batas.

“Kagaya sa Bar, why don’t we do away with Bar? Tutal ‘yung estudyante may four years pre-law, four years proper. Dadaan ka sa rigorous scrutiny, tapos dadaan ka pa sa Bar,” sabi ni Bello.

“Eh nakita mo naman ‘yung mga nagta-top sa bar hindi naman sila kasing galing pagdating sa practice although I am not trying to demean them,”dagdag niya.

Batay kay Bello, na ang panukalang ito ay maaaring maging pet bill niya kung sakaling maging bahagi siya ng law-making body ng gobyerno. Gayunpaman, nilinaw niya na hindi pa siya nakapag-desisyon sa kanyang mga plano sa politika para sa halalan sa 2022.

Source: PhilStar, Inquirer.Net

Continue Reading