National News
MGA BRGY NA NAG COMPLY SA DEREKTIBA NG NATIONAL GOV’T, UMABOT SA 37,000
Umaabot sa 37,000 na mga barangay sa bansa ang nag comply sa derektiba ng national gov’t na i-post sa mga pampublikong lugar ang listahan ng mga beneficiaries ng COVID 19 emergency subsidy program.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, may halos 36,699 na mga barangay ang nagpaskil ng listahan ng mga benepisyaryo. Layunin umano nito na masiguro ang transparency sa pamimigay ng tulong.
Samantala, 1,370 sa 1,635 naman na mga Local Government Units (LGUs) sa bansa ang nakakumpleto ng kanilang distibusyon ng cash assistance bago pa man ang May 10 deadline na itinakda ng gobyerno para sa first tranche.
Ipinahayag ng Malacañang na kalakip sa mabibigyan sa second tranche ang 12-million na mga low-income households na sa mga lugar na napasailalim pa rin sa enhanced community quarantine at ang 4.9 million na pamilya na Hindi nakatanggap ng ayuda sa first tranche ng SAP.
Sa ngayon, ang mga syudad na lang ng Cebu at Mandaue ang nasa ilalim pa ng ECQ.