National News
MGA COLLEGES AT UNIVERSITIES SA ALERT LEVEL 2, TARGET BUKSAN SA DISYEMBRE
Planong simulan ng Commision on Higher Education (CHED) ang limited face-to-face class sa mga kolehiyo at unibersidad sa buwan ng Disyembre.
Batay sa CHED, by phase ang pagpapatupad ng limited face to face classes sa tertiary schools.
Ang Phase 1 ay para sa mga campus na nasa ilalim ng Alert Level 2 ayon kay CHED Chair Popoy De Vera.
Habang ang Phase 2 ay para sa naman sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 na target simulan sa Enero ng 2022.
Paliwanag ni De Vera, kailangan lamang na pumasa sa inspection ng Department of Health (DOH) at Inter Agency Task Force (IATF) ang paghahanda.
Kabilang dito ang retro-fitting ng mga classroom at maitaas ang vaccination rate.
Ang mga paaralan sa Alert Level 1 ay papayagan ang full indoor at outdoor capacity, batay sa proposed guidelines.
Samantala, 50% naman na indoor venue capacity at 70% outdoor para sa level 2, habang 30% indoor at 50% outdoor sa alert level 3.
Kasalukuyang aabot na sa 162 mga higher education institution ang pinayagang magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa ilalim ng Alert Level 2.
(With reports from Radyo Pilipinas)