National News
MGA DRIVERS NA MAGRE-RENEW NG LISENSYA, KAILANGAN NANG KUMUHA NG COMPREHENSIVE DRIVER’S EDUCATION
Kailangan nang kumuha ang mga drivers na magre-renew ng lisensya ng Comprehensive Driver’s Education (CDE) certificate simula Oktubre 28.
Ang nasabing panuntunan ay batay sa pinakahuling abiso ng Land Transportation Office (LTO).
“Ito’y para sa mga magre-renew ng kanilang lisensiya, professional man o non-professional. Nire-require ito ng batas…na ang magre-renew kailangan dumaan sa parang refresher seminar,” saad ni LTO chief Edgar Galvante.
Unang ipapatupad ang implementasyon sa Central Office-Licensing Section at sa Quezon City Licensing Center (QCLC) simula Oktubre 28.
Habang aabangan pa ang anunsyo ng petsa sa lahat ng areas sa labas ng NCR.
Ayon sa LTO, libre ang CDE materials sa lahat na opisina maging sa kanilang website at platfroms katulad ng Facebook page at YouTube channel.
Maaari namang makakuha ng exam sa Land Transportation Management System portal o sa driver’s education centers sa piling LTO offices.
Ayon pa sa LTO, ang course at ang exam ay maaaring makuha sa accredited driving schools.
Maliban sa CDE certification, maaaring maka-apply ang mga drivers para sa 10-year Driver’s License renewal kapag wala itong traffic violation record.
Kapag meron namang bayolasyon, maaaring maka-apply para sa 5-year renewal.
Samantala, palalawigin naman hanggang Disyembre 31 ang validity ng lahat ng Student Permits, Driver’s Licenses at Conductor’s Licenses na mag-e-expire ngayong Oktubre.
Write to PALAUTWASAN 🙂
Aa