National News
MGA EKSPERTO, DINEPENSAHANG TAMA PA RIN NA ISULONG ANG PAGGAMIT NG FACE SHIELD

Sa kabila ng mga puna at kritiko na Pilipinas na lang umano ang bansang nagpapatupad ng mandatory na paggamit ng face shield, nanindigan pa rin ang mga eksperto na tama lang na isulong ang paggamit nito.
Sinabi ni Dr. Tony Dans na malaki pa rin ang ambag ng face shield sa proteksyon laban sa virus.
Paliwanag niya, natatakpan ng face shield ang mata na kung saan maaring pumasok ang virus.
“Mayroon nang pagsusuri na nagpapatunay na mayroon siyang effect, mga 78% reduction in the risk of transmission. Malayo siya sa 100% pero mayroon naman. Ang suggestion natin idagdag iyan dahil napakamura. Kung tutuusin mas mura pa nga siya sa face mask na disposable,” lahad ng doktor.
Ibinahagi naman ni Dr. Anna Ong-Lim na may pag-aaral sa India na nakitang bumaba ang hawaan ng COVID-19.
Hinikayat din ng mga eksperto ang publiko na sundin ang “Apat, Dapat”: pagtitiyak na may sapat na air circulation o ventilation sa lugar na pupuntahan, physical distancing, palagiang pagsuot ng face mask at face shield, at paglilimita sa tagal ng interaction sa ibang tao.
Via: ABS-CBN NEWS