Connect with us

National News

Mga estudyanteng pinoy, wagi sa International Nuclear Science Olympiad

Published

on

Official photo courtesy of DOST-PNR

Tagumpay sa kauna-unahang International Nuclear Science Olympiad (INSO) na ginanap sa New Clark City ang INSO Philippine Team, matapos magwagi at magbigay ng sunod-sunod na karangalan para sa bansa.

Ang INSO Philippine Team ay binubuo ng apat na Filipino high school students na sina Mohammad Nur Casib, Neil Kyle Maniquis, Jeremiah Auza, at Romher John Fermil – kasama ang mga coach na sina Kristine Romallosa-Dean at Jeffrey Tare. Namayagpag ang mga mag-aaral na pinoy mula 54 na junior at senior high school students mula sa Asia-Pacific region.

 

Nakamit ni Mohammad Nur Casib ng Philippine Science High School Central Mindanao, ang gintong medalya mula sa nasabing patimapalak. Ginawaran din siya ng Plaque of Recognition for Highest Score in Theoretical Exam at Plaque of Recognition for Highest Overall Score (Combined Theoretical and Laboratory)

Si Casib din ang itinalaga bilang kauna-unahang Nuclear Science Ambassador dahil sa ipinamalas na husay sa buong kompetisyon.

Gold medalist din si Neil Kyle Maniquis ng Manila Science High School, habang si Jeremiah Auza ng Philippine Science High School Central Visayas
ay hinirang na silver medalist.

Ang tagumpay ng INSO Philippine Team ay hindi lamang nagpapakita ng sipag at paghahanda ng mga estudyante kundi nagpapakita rin ng dedikasyon ng bansa sa pagsulong ng nuclear education at ng international collaboration para sa mapayapang paggamit ng nuclear science and technology.

Continue Reading