Connect with us

National News

MGA GOBERNADOR, NAIS MAGKAROON NG COVID-19 TEST SA POINT OF ENTRY NG MGA LALAWIGAN

Published

on

RT-PCR swab test
larawan mula sa pna.gov.ph

Nananawagan sa COVID IATF ang mga gobernador na payagan ang pagsasagawa coronavirus testing sa entry point ng mga lalawigan.  Ito ay para ma-detect umano ang mga asymptomatic carriers na nais pumasok sa kani-kanilang mga lalawigan.

Matatandaang nagpalabas ng standard requirements ang national government para sa mga turista kung saan inalis nila sa listahan ang mga dokumento tulad ng travel authority at medical certificate.  Hindi na rin umano kailangang sumailalim sa quarantine kung wala silang mga ipinapakitang sintomas.

Ayon sa presidente ng League of Provinces na si Marinduque Gov. Presbitero Velasco, karamihan sa mga gobernador ay gustong magkaroon ng testing sa mga point of entry sa halip na sa point of origin.

“Ang hinihiling po namin para mayroon naman po kaming paraan para malaman po kung positive ‘yung papasok. Upon arrival dun sa port of entry na iallow po ang LGU na magprescribe ng PCR test, saliva test or antigen test,” sabi niya sa isang panayam.

Mas mainam umano na may test sa mga LGU  upang mapag-alaman kung ang mga papasok sa kanilang lalawigan ay carrier kahit na ito sila ay asymptomatic.

“Marami pong asymptomatic. Kung gagamitin po ang pine-prescribe ng Resolution 101 na clinical exposure assessment, hindi po makikita doon kung positibo ang papasok dahil marami rin po ang asymptomatic na carrier.”

Ayon pa kay Velaso, pinapayagan ang mga local na pamahalaan na gumamit ng alinman sa tatlong COVID-19 test, ngunit ang RT-PCR pa ring ang itinuturing na gold standard.

Ang mga magpa-positive sa antigen test ay agad na ika-quarantine at isasailalim sa sa confirmatory test.