National News
Mga guro makakatanggap ng ₱1,000 sa World Teachers’ Day
Mahigit sa 900,000 na public school teachers ang makakatanggap ng ₱1,000 incentive sa World Teachers’ Day ngayong Oktubre, anunsyo ng Department of Education kahapon.
Sa isang pahayag ng DepEd, inaprubahan ni President Rodrigo Duterte ang paglabas ng benipisyo na nagkakahalaga ng kabuuang ₱910 million.
“The grant of [World Teachers’ Day Inentive Benefit] recognized the vital role of our educators in addressing the challenges of the pandemic, especially in ensuring the continuity of learning,” sabi ng DepEd.
“With the ongoing preparations for School Year 2021-2022, we are grateful to our 900,000-strong teachers who have displayed their unwavering passion to serve and educate the Filipino youth,” ayon sa agency.
Dagdag ng DepEd na maglalabas nila ng guidelines ukol sa incentives.
Ang World Teachers’ Day ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 5.
Samantala, ang klase sa mga pampublikong paaralan para sa School year 2021- 2022, na gagawin parin sa pamamagitan ng distance learning, ay naka takdang magsimula sa Setyembre 13.
Noong nakaraan, nagbigay ang DepEd sa mga public school teachers ng P5,000 na cash allowance para pambili ng mga teaching supplies at iba pang mga materyales, pangangasiwa ng iba’t-ibang mga paraan ng pag-aaral, internet and communication expenses, at marami pang iba.
Source: ABSCBN