Connect with us

National News

Mga kongresista nagkaisa sa ABS-CBN franchise renewal

Published

on

11 mambabatas sa iba’t ibang partido ang nagkaisa sa panawagan na aksiyonan na ng House legislative franchises committee ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Pinangunahan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang grupo ng mga mambabatas na naghain ng House Resolution 639 na aksiyonan ang consolidated version ng walong nakabinbin na panukala tungkol sa 25-taong prangkisa ng ABS-CBN na magtatapos na sa March 30, 2020.

“All of these bills have not been acted upon by the committee on legislative franchises and no single hearing has been held on these bills before Congress went on Christmas recess possibly due to President Rodrigo Duterte’s objection to subject renewal,” ayon sa panukala.

Ang mga kasamang naghain ng resolusyon ay sina Deputy Speaker Johnny Pimentel, mga Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Eufemia Cullamat, ACT-Teachers Rep. France Castro, Nueva Ecija Rep. Micaela Violago, Parañaque Rep. Joy Myra Tambunting, Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong, Capiz Rep. Emmanuel Billones, at Quezon City Rep. Kit Belmonte.

Mayroon na lamang 24 natitirang regular session ang Kongreso sa pagpapatuloy nito sa Enero 20 bago ito mag-adjourn muli para sa Holy Week simula Marso 14.

Matatandaan na minungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta na lang ng mga Lopez ang Kapamilya network dahil hindi niya umano papalusutin ang franchise renewal nito, matapos hindi umano pinalabas ng ABS-CBN ang kanyang mga campaign ads noong 2016.

Article: ABANTE