Connect with us

National News

Mga nabakunahang Pilipino workers, maari ng makapasok sa Hong Kong simula Agosto 30 – DOLE

Published

on

OFW in Hong Kong

Sa mga nabakunahan na sa Pilipinas na Pilipino worker, maari silang makapasok sa Hong Kong simula Agosto 30, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Agosto 22.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na pinayagan ng Hong Kong ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakatanggap na ng bakuna sa bansa, na pumunta at magtrabaho doon kung may maipakita silang vaccine cards na inisyu ng Philippines’ Bureau of Quarantine.

Ang agreement ay makaka-benepisyo sa halos 3,000 workers na naghihintay ma-deploy sa Hong Kong, batay kay Bello.

Noong nakaraan, ipinagbawal ng Hong Kong makapasok ang mga Pilipino na nakatanggap na ng bakuna sa Pilipinas

May 210,000 mga OFWs, kung saan karamihan ay nagtratabaho bilang domestic helpers sa Hong Kong, pahayag ni Bello.

Ang mga remittances na pinapadala ng milyong OFWs sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay ang “key economic lifeline” ng Pilipinas.

Nag-raramp up na rin ng vaccination campaign ang Pilipinas sa gitna ng surge ng mga coronavirus infections sanhi ng Delta variant. Kasalukuyan, 11.8% ng 110 milyong populasyon ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ang Pilipinas ay pangalawa sa may pinaka-mataas na COVID-19 infections sa Southeast Asia na may kabuuang 1.83 milyong kaso. Ang bilang ng namatay ay lumagpas na sa 31,800.

Source: Rappler