National News
Mga OFW na may negative RT-PCR result ‘di na isasailalim sa quarantine at swabtest pagdating sa probinsya
UPDATED: HINDI na isasailalim sa 14-day quarantine at swab test pagdating sa probinsya ang lahat ng mga OFW na may negatibong resulta ng RT-PCR test.
Ayon sa National Inter Agency Task Force, ang lahat ng mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na negatibo na sa RT PCR test sa Manila ay deretso nang makakauwi sa probinsya sakay ng mga sweeper flights at hindi na isasailalim pa sa dagdag na 14-day quarantine at swab test.
Kinumpirma rin ito ni OWWA 6 Director Rizza Joy Moldes base sa inilabas na NTF Against COVID-19 Order kung saan nakapaloob ang operational guidelines sa pag-manage ng mga ROFs.
Ani Moldes, “effective immediately” ang nasabing order na pirmado ni Defense Secretary at Chief of the National Task Force Against COVID-19 Delfin Lorenzana pero kailangan pa nila ng dagdag na memorandum para sa implementasyon nito sa rehiyon.
Base sa order, “all ROFs in good health with a testing document showing a negative RT-PCR result for COVID-19 shall not be subjected to another 14-day quarantine by the receiving LGUs.”
Samantala, nananatili aniya ang guidelines para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs).
Hindi na sila hihingan ng negative RT-PCR test result para makauwi pero dapat silang magpasailalim sa swab test pagdating sa kanilang destinasyon.
Via: Aksyon Radyo Iloilo
Continue Reading