Connect with us

National News

Mga opisyal ng Electric Cooperatives kinasuhan ng NEA dahil sa umano’y iregularidad at mismanagement

Published

on

Photo Courtesy: PIA

Nagsampa ng kaso ang National Electrification Administration (NEA) sa Department of Justice (DOJ) laban sa ilang electric cooperatives (EC) dahil sa umano’y maling pamamahala at iregularidad.

Pinangunahan ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda ang paghahain ng mga kaso, kasama sina Deputy Administrators Omar Mayo ng Electric Cooperative Management Services, Vic Alvaro ng Corporate Resources and Financial Services at ang kanilang mga legal team.

Ang mga electric cooperatives na nahaharap sa kaso ay ang Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc. (INEC); Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc. – Area 2 (NEECO 2-Area 2); at First Bukidnon Electric Cooperative, Inc. (FIBECO).

Nahaharap sa kasong syndicated estafa ang mga opisyal ng INEC, kapwa dati at kasalukuyan, dahil sa umano’y paglustay ng P118 milyon mula sa Employees Retirement Fund ng kooperatiba.

Samantala, ang mga opisyal ng NEECO 2-Area 2 ay inakusahan sa maling paggamit ng humigit-kumulang P250 milyon mula sa retirement at internally generated funds, kasunod ng imbestigasyon ng DOJ na nagsiwalat ng “breakdown in internal protocols.”

Ang FIBECO naman ay iniimbestigahan para sa umano’y labag sa batas na pagbili ng lupa na nagkakahalaga ng P11.55 milyon na hindi naging materyal, habang ang dating general manager nito ay kinasuhan ng paglilipat ng P6 milyon sa kanyang personal na account. Ang mga kasong ito ay dati nang iniendorso sa DOJ.

Suportado naman nina DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, Undersecretary Jose Cadiz, Jr., at NBI Director Jaime Santiago ang pagsasampa ng nabanggit na mga kaso.