National News
MGA POLICE STATIONS, GUSTONG GAWING COVID-19 VACCINATION CENTER NI PDU30
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na linisin ang mga presento bilang preparasyon sa vaccination ng COVID-19 kung maging available na ang bakuna.
Sa isinagawang public address ng pangulo kagabi, ipinahayag niya na magiging vaccination centers ang mga police stations.
Nauna nang ipinahayag ng presidente na ang mga military at pulis ang magti-take charge sa pagbabakuna.
“Hoy, kayong mga police, makinig kayo sa akin ha. Linisan ninyo ‘yang presento nyo and make it ready for the day, I pray that it would come. ‘Yun na lang mga police stations mas malapit tsaka marami,” ayon kay Pangulong Duterte.
Matandaan na noong Byernes, ibinilin ni Duterte sa militar ang implementasyon ng free COVID-19 immunization program ng gobyerno para sa halos 20 million na mahihirap na mga pilipino.