National News
MGA PULIS NA MAY COVID-19, UMAKYAT NA SA 4,220
Nadagdagan pa ng 41 ang numero ng mga pulis na may COVID-19 sa Pilipinas ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang kagabi, 4,220 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pulisya.
710 pulis pa ang itinuturing na probable cases habang 2,867 ang suspected cases.
96 na mga pulis ang gumaling na.
Dahil dito, 2,938 na ang total recoveries sa hanay ng PNP at 16 ang COVID-19 related deaths.
Continue Reading