National News
MGA PULIS NA TINAMAAN NG COVID-19, 83 NA


Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP kahapon umakyat na sa 83 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .
Sa nasabing bilang 12 pulis na ang gumaling habang 3 ang nasawi.
Maging ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP ay tumaas na rin sa 126 at 567 naman ang suspected case.
Pinayuhan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
Continue Reading