National News
Mga pulis na tumulong sa mga biktima ng Taal, pinarangalan sa Camp Crame
Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang ilang mga pulis na tumulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ngayong umaga sa Camp Crame.
Ang mga awardee ay pinangunahan ni PNP Maritime Group Director Police Brigadier General R’win Pagkalinawan at Police Corporal Jesson Gutual, na kapwa tumanggap ng medalya ng pagtulong sa nasalanta dahil sa kanilang pagligtas ng mga residente at hayop sa Taal danger zone.
Si Police Major Genevieve Julian mula sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) naman, ay tumanggap ng medalya ng papuri dahil sa kanyang pag“breastfeed” ng isang sanggol na may sakit ang ina sa isang evacuation center.
Si Pmsg Santiago Arienda ng Police Regional Office (PRO) 5 ay pinagkalooban ng medalya ng ugnayang pampulisya, dahil sa paghahatid ng konting kasiyahan sa mga biktima ng Taal sa pamamagitan ng pag-perform ng “magic tricks.”
Samantala, tumanggap din ng medalya ng kagalingan ang nag-viral na pulis na nanghuli sa isang drunk driver sa Baguio City, noong January 31, 2020, na is Patrolman Julius Walang ng Police Regiona Office Cordillera (PRO-COR). – radyopilipinas.ph