Connect with us

National News

MGA SIMBAHAN SA MAYNILA, BALAK GAWING VACCINATION SITES NI YORME

Published

on

Isko Moreno
Larawan mula kay George Calvelo

Pinag-iisipan ng lungsod ng Maynila na gamitin ang mga simbahan bilang mga COVID Vaccination sites upang mas mapabilis ang pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID.

“Malaking bagay rin ang simbahan dahil may bubong na maayos. Maganda ang arrangement. This might be considered,” pahayag alkalde ng  Maynila na si Isko Moreno.

Nakatakdang makipagpulong si Moreno kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo upang mapag-usapan ang plano.

Sa isang panayam naman ni Pabillo, sinabi noya na handa raw silang payagan ang pamahalaang lungsod ng Maynila na gamitin ang kanilang mga pasilidad bilang mga vaccination sites.

“Siguro kailangan nila malalaking simbahan so maghahanap kami. Kung ano ‘yong mga kinakailangan nilang facilities at kung saang area,” ani Pabillo.

Dagdag pa ni Pabillo, ang mga simbahan sa Maynila ay may iba pang mga pasilidad tulad ng gym at halls.  Maaari rin umanong tumulong ang mga kawani ng simbahan upang gawing ligtas ang mga vaccination sites.

Ibinahagi ni Moreno  na target mabakunahan ang 1,000 na mga residente sa 18 vaccination sites na kanila nang natukoy.

Uunahin umanong babakunahan ang mga medical frontliner, senior citizens, at mga guro.

Sinabi rin ng alkalde na umabot na sa 76,000 residented ang mga nag pre-register sa vaccination program. Babakunahan sila kapag natapos na ang priority sector.

800,000 na dosage ng COVID-19 vaccine ang in-order ng Manila City mula sa British pharmaceutical firm na AstraZeneca at ang bilang na ito ay sapat na uppang mabakunahan ang 400,000 katao.

Upang tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa bakuna,  sinabi ni Moreno na tutuparin niya ang pangakong magpapabakuna sa harap ng publiko.

“Sabi ko nga, para lang mabawasan ‘yong pangamba ng utaw, eh papaturok ako sa bagay na ipapaturok ko sa kanila,” pahayag ni Moreno.