Connect with us

National News

MIAA, nakahanda na sa posibleng repatriation ng OFWs mula Middle East bunsod ng nagpapatuloy na tensyon

Published

on

Photo/s: Manila International Airport Authority via radyopilipinas.com

Handa ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdating ng Overseas Filipino Workers na posibleng i-repatriate mula sa Middle East sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, susuportahan nila ang hakbang ng gobyerno sa pamamagitan ng paglalaan ng holding areas para sa OFWs kung saan sila ipoproseso at isasalang sa mga briefing.

Tiniyak rin ni Monreal na nakahanda silang mag-deploy ng medical teams sa holding areas para sa mga darating na migrant workers na mangangailangan nito at mamimigay ng Malasakit kits sa kanila.

Bahagi ang MIAA ng inter-agency team na may kinalaman sa mass repatriations na ginagawa ng pamahalaan sa mga nakalipas na taon.

Katuwang nito ang Labor Department, Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa kasalukuyan ay ang Office of the Special Envoy to the Middle East. radyopilipinas.com