Connect with us

National News

“Minimum wage challenge” para sa mga mambabatas, iminungkahi

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Tatlong araw matapos ang “commute challenge” kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, “minimum wage challenge” sa mga mambabatas naman ngayon ang iminungkahi ni Gabriela Women’s party-list Rep. Arlene Brosas.

Naniniwala si Rep. Brosas na ang pagpapatupad ng nasabing challenge ay makatutulong upang personal na malaman nang kaniyang mga kapwa mambabatas kung sapat nga ba ang kasalukuyang kita kung kaya nga nitong tugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan ng mga nasa laylayan. Malaki rin diumano ang magagawa nito upang mailapit ang kanilang sikmura at interes sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kasalukuyan, nasa Salary Grade 31 ang natatanggap ng  mga miyembro ng Kongreso,. Sumusuweldo sila ng nasa P117,086 kada buwan bukod pa sa mga allowance na nakukuha nila.

Sa pahayag ng mambabatas sa CNN Philippines, “Kahit ang senador at mga kongresista, i-minimum wage natin para nang sa ganoon, eksakto. Magkano ang pamasahe, magkano ang pangkain magkano ang lahat,”