Connect with us

National News

Miyembro ng SSS na nawalan ng trabaho, makakatanggap ng P20k cash benefit

Published

on

Photo| https://techpilipinas.com

Kinumpirma ng Social Security System (SSS) na makatatanggap ng hanggang P20,000 cash benefit ang lahat ng contributing members ng SSS na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis.

Inihayag ito ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas nitong Martes. Aniya kailangan lamang magpakita ng sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang mi­yembro ng SSS at isang savings account.

“Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay invo­luntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit,” pahayag ni Nicolas.

“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga,” saad pa nito.

Para naman sa mga overseas Filipino workers (OFW) na nais ding makakuha, maaaring hingiin ang sertipikasyon mula sa Philippine Overseas Employment Office (POLO), imbis na sa DOLE.

Subalit, hindi naman kwa­lipikadong makakuha ng unemployment benefit ang mga self-employed na miyembro ng SSS.