National News
Mobile phones at iba pang gadgets, ipagbabawal sa eskwelahan
Umusad na sa Kamara ang House Bill 5545 o panukalang nais ipagbawal ang paggamit ng mobile phones at iba pang mga gadgets sa lahat ng eskuwelahan sa bansa mula Grade 10 pababa.
Isinulong ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes ang panukalang batas dahil sa pagkahumaling ng mga estudyante sa sobrang paggamit ng mobile phones at iba pang gadgets na nakababahala sa kanilang pag-aaral.
Nais umano na pigilan ng mambabatas ang sobrang exposure ng mga mag-aaral sa cellphone at mga gadget na nagiging sanhi ng problema sa utak.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang mga batang estudyante na labis ang pagkahumaling sa cellphone at iba pang gadget ay nagkakaroon ng problemang psychological, problema sa kaisipan, mababa ang grado, nasasangkot sa cyber-bullying, at nagkakaroon ng depresyon na humahantong sa suicide.