Connect with us

National News

Modified quarantine, nangibabaw sa mga inihaing rekomendasyon sa Pangulo

Published

on

duterte
Photo courtesy| https://www.philstar.com/

Mayorya ng mga kinonsultang dalubhasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng rekomendasyong magpatupad ng modified community quarantine pagkatapos ng April 30.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng inaasahang ibababang pasiya ng Pangulo mamaya, kung mananatili o aalisin na ba ang Luzon enhanced community quarantine.

Binigyang diin ni Roque, na bagamat ang karamihan sa mga ekspertong kinonsulta ng Pangulong Duterte ay rekomendado ang modified quarantine, inihayag ng tagapagsalita na sa bandang huli ay nasa Presidente pa rin ang desisyon kung ano ang hakbang na ipatutupad nito pagkalipas ng April 30.

Sinabi ni Roque, na mahirap pangunahan kung ano ang ipapasiya ng Presidente, at ang mas mabuti aniyang gawin ay ipagdasal na lang ang Pangulo sa magiging kapasiyahan nito.

Sa modified quarantine, ay inaasahang tuloy ang community quarantine sa mayroon talagang outbreak, habang maaari nang i-lift ang mga area na wala naman talagang kaso ng coronavirus disease (COVID-19). – radyopilipinas.ph