National News
Muling pagbabalik ng vehicle inspection scheme (PMVIS), kinukwestiyon ng senador
Tinanong ni Senador Ralph Recto ang transport department kung bakit nagbalik ang private motor vehicle inspection scheme (PMVIS) na pinahinto na ng Malacañang ngayong taon.
Ma-aalala na inihayag ni presidential spokesman Harry Roque na ang pagsasailalim ng mga sasakyan sa isang inspeksyon ng mga private motor vehicle inspection centers or PMVIC bago mag-parehistro sa Land Transportation Office (LTO) ay hindi na mandatory.
“It has been put into a coma upon orders of Malacañang. Now it appears that it has mutated into something else,” saad ni Recto.
Pinapaliwang ng senador ang LTO at ang Department of Transportation (DOTr) ang legality ng pagbabalik ng PMVIS.
Naglahad rin siya ng isang memorandum circular MC-SC-2021-02 issued noong Hulyo 5, na nagpapakita ng guidelines ng DOTr para sa LTO na tanggapin lamang ang mga Motor Vehicle Inspection Reports mula sa mga PMVIC sa kanilang itinalagang lugar.
Hiniling ni Recto na tukuyin ng LTO ang scope at halaga ng bayarin para sa inspeksyon.
Kailangan din patunayan ng LTO na ang scheme ay hindi magreresulta ng mahabang queues at matagal na processing time sa PMVIC, dagdag ni Recto.
“If a car owner will opt for an inspection done by the LTO, are the facilities of the latter adequate? Is this option available all the time, so they will not be shepherded to private testing centers?” sabi niya.
Noong umpisa ng taon, ilang mga senador ang nanawagan na suspendihin ang PMVIS, sapagkat nagdadagdag lamang ito ng “detrimental” sa mga motorista ngayong panahon ng pandemya.
Source: GMANews