Connect with us

National News

Nag-file ng protesta ang Pilipinas laban sa China, matapos nitong tumira ng flares sa AFP aircraft sa may Union Banks

Published

on

PH Protest filed vs China

Ayon kay Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. nitong Biyernes, nag-file ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China, matapos tumira ng flares ang China sa Armed Forces aircraft na nag-papatroll sa Union Banks.

Sa isang virtual press conference, sinabi ni Esporen, chairman ng National Task Force for the West Philippines Sea, nangyari ang insidente noong Hunyo.

“I recalled an incident last June 2021 when flares, not gunshots of any caliber, were fired at an Armed Forces aircraft,” aniya.

“True to what we have agreed upon, we immediately put it into political…there was a diplomatic protest,” dagdag niya.

Ayon kay Esperon, mayroong dalawang Chinese detachments sa may area ng Union Banks.

Sabi niya na, patuloy nilang mino-monitor ang marine scientific research vessels na nag-ooperate sa West Philippine Sea na may pahintulot mula sa Pilipinas, kung saan, kontra dito ang Department of Foreign Affairs.

Dagdag pa ni Esperon na nag-protesta rin ang Pilipinas dahil sa karami-raming “unnecessary” vessels ng China sa paligid ng istasyon nito sa Pagasa Island, pinapatay rin nila ang kanilang automatic identification system.

Noong 2013, hinamon ng Pilipinas ang legal basis ng China patungkol sa expansive claim nito sa Permanent Court of Arbitration sa Hague, Netherlands.

Nagwagi ang Pilipinas sa kaso sa isang landmark award noong 2016 matapos ipawalang bisa ng tribunal ang mga iginigiit ng Beijing.

Ngunit, mula noon, tinanggihan pa rin ng China ang ruling at sinasabing ang kanilang claims ay may “indisputable” historical basis. — DVM, GMA News

Reports By JOVILAND RITA, GMA News