National News
NCR ilalagay sa ilalim ng Alert Level 4 simula Setyembre 16
Simula Setyembre 16, ilalagay na sa ilalim ng Alert Level 4 ang National Capital Region, ito ang simula ng implementasyon ng mga granular lockdowns sa gitna ng pandemiya, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
“Alert Level 4 ang ipapatupad sa NCR,” sinabi ni Año sa isang panayam sa Unang Balita ng GMA News.
Dagdag niya na sumang-ayon ang mga mayors ng NCR na mag-implement ng isang alert level lamang sa kabuuan.
Sinabi niya rin na, base sa data analytics, limang areas sa NCR ang kinokonsiderang Alert Level 5, habang dalawa ay Alert Level 3, pero ang karamihan ay Alert Level 4.
Batay sa bagong guidelines ng gobyerno, sa ilalim ng Alert Level 4 (second-highest alert level), ay yung mga lugar na may mataas o patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 , at ang utilization rate ng kabuuang ICU beds ay nasa high risk.
Ang mga sumusunod ang mga taong hindi maaring lumabas ng kanilang residensiya sa ilalim ng Alert Level 4:
- persons below 18 years old,
- those who are over 65 years of age,
- those with immunodeficiencies, comorbidities, or other health risks,
- pregnant women
Ang mga indibidwal na ito ay maari lamang lumabas kung kukuha sila ng mga essential goods at services, o para sa trabaho sa mga pinahihintulutang industriya at offices.
Samantala ang intrazonal at interzonal travel naman para sa mga taong hindi required na manatili sa kanilang residente ay papahintulutan, pero subject ito sa regulations ng LGU na kanilang pupuntahan.
(Source: GMA News)