Connect with us

National News

“No disconnection policy” aprubado ng palasyo

Published

on

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang “no-disconnection policy” para sa mga “lifeliners” o yaong mga “low-income consumers of electricity.”

Ang mga lifeliners ay mga consuemrs na gumagamit ng 100 kilowatts per hour (kWh) na kuryente o mababa pa.

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles agad sinang-ayunan ng pangulo ang rekomendasyon ng Department of Energy (DoE).

Sa virtual press briefing na isinagawa kaugnay ng nasabing rekomendasyon, isinaad ni Nograles na, “In the Cabinet meeting yesterday, the Department of Energy recommended to the President that this no disconnection policy for lifeliners be continued. The President readily agreed given that electricity is a basic necessity our countrymen cannot live without.”

Dagdag pa niya, “Kaya po makakhinga na po nang malalim ang ating mga kababayan na mababa o walang kita. Hindi po kayo mapuputulan ng kuryente.”

Aniya pa, “Just as our kababayan have had to adapt to the pandemic, so has the government taken steps to help our countrymen cope with the challenges it presents.” Agad umanong inaprubahan ng pangulo ang rekoemndasyon dahil batid nitong hindi pa lubusang nakakabangon ang mga mamamayan mula sa pandemya.

Matatandaang noong nakaraang Oktubre, mariingipnagbawal ng Energy Regulatory Commission na putulan ng serbisyo ng kuryente ang mga may mabababang kunsumo nito kahit hindi sila makapagbayad hanggang sa katapusan ng taong 2020.