National News
Ombudsman, mag-iisyu ng subpoenas sa DOH, DBM ngayong araw, para ma-trace ang pondo ng COVID-19 response
Mag-iisyu ng subpoenas ang Office of the Ombudsman sa Department of Budget and Management at Department of Health para usisain kung saan napunta ang pondo na inilaan para sa COVID-19 response.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires papadalhan ng subpoena sila DBM Secretary Wendel Avisado at Health Secretary Francisco Duque III ngayong araw.
Aniya, tututukan ng naturang imbestigasyon ang special allotment release orders na kung saan kasama rito ang pondo para sa cash benefits ng pamilya ng mga frontliners na nasawi.
Giit pa ni Martires, titiyakin umano nila na ma-establish ang fact-finding investigation kung meron ngang anomaliya sa procurement ng COVID-19 test kits kasama na ang matagal na pagbibigay ng personal protective equipment sa mga health workers.