National News
Online Gambling, pwede na – Duterte
Dahil nauubos na ang state funds, pinayagan ni Pangulong Rodrigro Duterte ang mga gambling operations sa bansa kahit sinabi niya noon na kontra siya dito.
Sa isang pre-recorded meeting kasama ng kanyang mga political party officials, sinabi ni Duterte na ang pag-papahintulot ng gambling operations ay ang pinaka-sensible daw na gagawin sapagkat nauubos na ang pondo ng gobyerno.
“Itong sugal, bakit ko pinayagan? Wala tayong pera eh.”
Pero, noong 2018 sinabi ni Duterte na “hate[s] gambling.”
Inamin naman ni Duterte na laban siya dati sa online gambling industry, to the point na pinilit niyang magkaroon ng “no-casino policy” ang mga kilalang resorts sa Boracay at Bohol.
“Sabi nila sa panahon ko, pinayagan ko ang sugal. Correct, that is true. I do not deny it. Now, I would like to bring your mind a few years back in time. ‘Di ba noong Presidente ako bago, sinabi ko ‘ayaw ko ng sugal’ and I never allowed it,” aniya.
Ngunit, ayon sa kanya dahil sa pandemya, napilitan ang gobyerno gamitin ang kanilang reserved funds.
“Ngayon kasi kailangan natin ng pera, the most sensible thing is really just to encourage those activities. Though it may sound not really repulsive but maybe repugnant to some, eh magdusa na muna kayo kasi kailangan ko talaga ang pera para sa bayan,” sabi ng Pangulo.
“The times are not really conducive to being a moralist now. You have to be pragmatic about it,” dagdag niya.
Batay kay Duterte, ito lang daw ang naisip nilang paraan upang maiwasan mahawaan ang mas maraming tao sa Pilipinas ng Covid-19.
“Pagdating ng pandemic, naubos ang pera natin. May reserba natin nagamit natin lahat to contain the viral virus from rampaging all throughout the country,” sabi niya.
Subalit, kontra pa rin si Duterte sa pagsusugal “in the barangay-level” sapagkat sabi niya na mas mahirap iyon kontrolin.
Kinikilala ng Malacañang ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) bilang tax revenue generators ng gobyerno sa gitna ng pandemya, pero hindi nila ito hahayaang umiwas ng pagbayad ng tamang buwis.
Mahigit-kumulang 60 POGO ang nakakuha na ng lisensya para mag-operate sa Pilipinas.
Source: ABSCBN, PNA