Connect with us

National News

P-Duterte, na ang advance payment para sa Covid-19 vaccine

Published

on

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang advance payments para sa bakuna laban sa COVID-19 ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Paliwanag ni Roque, para hindi mapag-iwanan ang Pilipinas sa pagkuha ng bakuna, kinakailangan ang advance payment.

Ang pagpasok ng bansa sa Advance Market Commitments (AMCs) sa mga pribadong vaccine developers ay aprubado din sa pangulo, batay sa Palace official.

Aniya, posibleng isagawa ang pagkakaroon ng Private-Public Tripartite Agreements.

Sa ganitong paraan, walang gagastusin ang pamahalaan.

Samantala, aprubado din kay Duterte ang Executive Order para sa Emergency Use Authority sa bakuna.