National News
P-DUTERTE, NAIS BIGYAN NG LIBRENG FACE MASK ANG PUBLIKO
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang bigyan ang publiko ng libreng face mask ngayong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa pangulo, kakulangan sa pera ang isang dahilan kung bakit ang ilang mamamayan ay paulit-ulit ang pag gamit ng face mask.
“Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang buwan na ginagamit because you know they do not have money to buy,” pahayag ng Punong Ehekutibo.
“We have to provide the masks for everybody. Eh kung ‘yang tao walang pera pambili, walang mask, how do you expect compliance from him?” dagdag pa nito.
Inutusan din ng pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang mga kapitan ng barangay na mamahagi ng face mask sa publiko.
“So kung kailangan na we ask the people to comply, we also look into the possibility that they cannot buy it. So government, sa panahong ito, must provide,” saad ni Duterte.