Connect with us

National News

P100B AYUDA, HANDA NANG IPAMIGAY; MGA MAHIHIRAP, UUNAHIN -DSWD

Published

on

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes na natanggap na nila ang unang 100 bilyong piso mula sa  200 bilyong pisong emergency subsidy o cash aid para sa halos 18 milyong mahihirap na pamilya na apektado ng Luzon quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon ay Social Welfare Secretary Rolando Bautista, and pondo na natanggap nila mula sa Department of Budget and Management ay tinatayang  sasapat sa loob ng isang buwan.

Bawat pamilya ay mabibigyan ng mula Php 5,000 hanggang Php 8,000 na subsidiya kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Dagdag pa ni Bautista, unang makatatanggap ng cash assistance ang 4.2 milyong  benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sapagkat sila umano ay mga na-verify na at hindi na kailangan pang sumailalaim sa dagdag na pagbi-vetting. 

Sa isang Laging Handa briefing na isinasagawa ng pamahaalan, sinabi rin ni Bautista na taliwas sa nauna nang pahayag ng DSWD,  ang social amelioration package ay ibibigay nang buong cash at hindi kumbinasyon ng cash at food packs.

If a family receives food packs, the amount of said food pack will not be deducted from their cash benefit (Kung ang isang pamilya ay nakatanggap ng mga food pack, ang halaga ng nasabing food pack ay hindi ibabawas sa matatanggap nilang cash benefit),” ani Baustista.

Ibig sabihin din nito, ang mga pasok sa social amelioration program ay hindi ituturing na priority sa food distribution.

 MGA PRIORITY BENEFICIARIES

Sinabi naman ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na ang mga 4Ps beneficiaries ay makatatanggap ng “top-up” hanggang matanggap nila ang maximum subsidy par asa kanilang rehiyon. 

[For example, a] beneficiary is receiving P3,000 in grants already. He will get an additional P5,000 as top-up to reach the P8,000 maximum subsidy ([Halimbawa, ang isang] beneficiary ay tumatanggap na ng Php3,000 grants.  Makatatanggap siya ng dagdag na Php 5,000 bilang top-up upang mabuo ang Php 8,000 maximum subsidy),” ayon kay Dumlao.

Sinabi ni Bautista na ang susunod na uunahin ng DSWD  ay ang  pagtutukoy ng iba pang mga tao na magka-qualify na makatanggap ng ayuda

Kabilang na dito ang mga informal economy workers at ang mga direktang naapektuhan ng quarantine tulad ng mga occasionally hired workers, subcontractors, kasambahay, drayber ng public utility vehicles, traysikel, at iba pang mga means of transportation, mga micro entrepreneurs, subminimum wage earners, magsasaka, “no work no pay” workers, at stranded workers.

Sinabi pa ni Bautista na ang mga senior citizens, people with disabilities, mga buntis at nagpapasuso, overseas Filipino workers in distress, mga indigents, at iba pang mga miyembro ng vulnerable sectors ay mabibigyan ng cash aid.

Naniniwala umano si Bautista na ang mga tauhan ng departamento ay makakapagumpisa na sa pamamahagi ng ayuda sa susunod na tatlong araw ngunit kailangan ng masusing pag-aaral kung ang mga bibigyan ba ang qualified.

ANG PAGPUPROSESO NG MGA SOCIAL AMELIORATION CARDS

Sa ilalim ng social amelioration program ng DSWD, ang mga regional directors ng DSWD field offices ay inatasan na mamahagi ng social amelioration cards (SACs) sa mga local governments. Ang mga LGU naman ay mamimigay ng dalawang kopya ng mga card sa bawat benepisyaryo upang kanilang fill-up-an. 

Kokolektahin ng mga tauhan ng local na pamahalaan ang isa sa mga kopya ng SACs at iti-turn over sa DSWD para sa pagsusuri.  Pagkatapos nito ay makatatanggap na ng ayuda ang mga benepisyaryo.

Nanawagan si Bautista ng pag-unawa sapagkat matagal umano ang proseso ng pagba-validate ng lahat ng mga beneficiaries. 

“The President will not neglect you. We know that the DSWD has a big role in this endeavor, but we ask for patience, since there are some things that we cannot control (Hindi kayo pababayaan ng president.  Alam namin ang DSWD ay may malaking papel sa gawaing ito, ngunit umaapela kami sa inyong pagpapasensya sapagkat mayroong mga bagay na hindi naming makokontrol),” ani Bautista. 

Source: Inquirer.net