National News
P15k livelihood aid para sa mga small-time vendors at store owners, nirekomenda ng DSWD
Nirekomenda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng P15,000 livelihood aid ang mga small-time vendors at sari-sari store owners na naapektuhan ang kita dahil sa pandemya.
Sa isinagawang Senate deliberations sa proposed P171-billion budget ng DSWD para sa 2021, inihayag ni Secretary Rolando Bautista na may P10 billion na unspent funds sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
“Out of the budget, we still have a remaining P10 billion. It’s still within our fund and depending on what will be the instruction of the DBM [Department of Budget and Management] whether to realign this to other projects for recovery or return to the treasury,” wika ni Bautista.
Ayon naman kay Senate Pro Tempore Ralph Recto hindi pwedeng ibalik ang nasabing halaga dahil marami pang mga Filipino families ang nangangailangan ng assistance sa gitna sang health crisis.
Paliwanag naman ni Bautista na plano ng ahensya na gamitin ang P10 billion para sa mga proyekto na makakatulong sa mga Pinoy na maka-recover sa pandemya.
“We have already the proposal but as we have mentioned, this should be approved by the Office of the President,” ani Bautista.
Batay naman kay DSWD director Resty Macuto, iminungkahi ng ahensya ang provision na P15,000 sa mga informal vendors at sari-sari store owners.
“Ang ating tinatarget po dito yung ating mga kababayan na mga informal vendors, yung mga nasa palengke, yung nagtitinda ng mga gulay, yung iba sari-sari store. We have already oriented our LGUs for this particular program,” saad ni Macuto.