Connect with us

National News

P20 per kilo na bigas ibebenta sa Visayas-DA

Published

on

IPAPATUPAD na ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo sa Visayas bilang pilot area ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Kasunod ito ng isinagawang closed-door meeting kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng 12 gobernador ng Visayas sa Cebu Provincial Capitol.
Ayon kay Laurel, layunin ng Pangulo na ipatupad ang programang ito sa buong bansa.
”The President has actually given the directive, initially itong programa ng DA was supposed to last until December, pwede pa stretch ‘yan until February. But our President has given the directive to the Department of Agriculture to formulate this to be sustainable and ituloy-tuloy hanggang 2028,”pahayag ni Laurel sa isang press conference.
Paliwanag ng kalihim, hanggang 10 kilo ng bigas kada linggo o 40 kilo bawat buwan ang maaaring bilhin sa P20 kada kilo.
Matatandaang isa sa mga pangunahing pangako ni Marcos noong kampanya ang pagpapababa ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo.
Aniya, posible ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng value chain — ang sunud-sunod na proseso sa produksyon hanggang sa pagbenta ng produkto sa mamimili.
Dagdag pa ni Laurel, walang tigil ang pagtatrabaho ng DA upang maipatupad ang programang P20/kilong bigas. sa buong bansa.
Continue Reading