Connect with us

National News

P219.5-m na smuggled fuel nasabat ng BOC sa La Union Port

Published

on

Photo: Bureau of Customs PH

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P219.5 milyong halaga ng smuggled diesel fuel sa La Union Port nitong Hunyo 19, 2025.

Naaktuhan ng BOC-CIIS, PCG, at NBI-OTCD ang motor tanker MT Bernadette habang nililipat ang diesel sa dalawang lorry truck.

Aabot sa 259,000 litro ng diesel fuel ang nasamsam.

Walang maipakitang dokumento ang 10 tripulante ng barko, habang 11 pang kasabwat ang nadakip.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, malaking banta sa ekonomiya at kaligtasan ng publiko ang ganitong modus.

Sinampahan na ng kaso ang mga sangkot sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act at TRAIN Law.

Continue Reading