Connect with us

National News

P30,000 assistance para sa mga anak ng OFW na nasa kolehiyo, ibibigay ng gobyerno

Published

on

Photo: Screen grab/Presidential Communications/RTVM

MAKAKATANGGAP ng one-time grant na P30,000 bilang educational assistance ang mga college students na anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ng pangulo sa televised briefing. Aniya, para ito sa mga anak ng displaced, non-returning, repatriated, o mga nasawi na OFWs na apektado ng COVID-19. 

Paliwanag pa ng Pangulo, para lang ito sa qualified beneficiaries na enrolled na o mag-e-enroll pa lang sa local universities o colleges maging sa mga private higher education institution na recognized ng Commission on Higher Education (CHED). 

“Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about 33,000 students from OFW families,” pahayag ng pangulo. 

Maaaring makipag-ugnayan sa CHED, Department of Labor and Employment (DOLE) o sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa karagdagang detalye sa naturang programa.

Continue Reading