Connect with us

National News

P4-P6 dagdag-presyo sa bigas, pinangangambahan ayon sa DA

Published

on

Nagbabadya na ring sumipa ang presyo ng bigas bukod sa tinapay, de lata at iba pang mga bilihin.

Nagbigay ng babala ang Department of Agriculture sa posibleng pagtaas ng apat hanggang anim na piso sa kada kilo ng bigas bago matapos ang taon.

“‘Yung 4-6 [months] na ‘yan, assuming na walang export ban pero kung nag-export ban sila at nagkaroon ng greater demand sa rice dahil sa pag-shift ng other wheat-eating countries sa bigas, eh talagang hindi natin masasabi kung saan aabot,” saad ni Agriculture Usec. Fermin Adriano.

Batay sa ahensya bunsod ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng abono at gasolina.

Tinitingnan na ngayon ng DA ang posibleng pag-angkat ng bigas sa India ayon kay Magsasaka Party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat.

“Nitong nakaraan, ang DA tumitingin na sa India for our supply of rice kasi nga baka magmahal na ang benta sa atin ng mga traditional countries na nagbibigay sa atin ng bigas, katulad ng Vietnam at Thailand,” pahayag ni Cabatbat.

Nag-apela na rin ang DA at Samahang Industriya Ng Agrikultura ng mas malaking budget sa abono para mga magsasaka.

 

 

 

Continue Reading