National News
P487 MILYONG CASH SHELTER ASSISTANCE, IPAMIMIGAY SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ODETTE – DHSUD
Namahagi ang gobyerno ng P487 milyon na cash shelter assistance sa mga biktima ng bagyong Odette ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
“The NHA (National Housing Authority) has distributed P487 million in cash assistance to 97,500 families affected by typhoon Odette,” pahayag ni DHSUD chief Eduardo del Rosario sa Laging Handa briefing.
“This is in accordance with the order made by President Rodrigo Duterte,” dagdag pa ni del Rosario.
Aabot sa 597,779 ang naitalang totally o partially damaged homes sa Regions 4B, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, Caraga, at sa Bangsamoro region.
Maliban sa cash assistance, aabot sa 19,000 shelter-grade tarpaulin sheets naman ang ipinadala sa Cebu, Southern Leyte, Caraga region sa tulong ng United States Aid for International Development and International Organization for Migration, at Philippine Coast Guard.
Mababatid na nakaapekto sa mahigit apat na milyong katao ang Bagyong Odette isang linggo bago ang araw ng Pasko nakaraang 2021.
(Source: GMA NEWS)