National News
P8.5-Billion para sa ALPAS Kontra COVID-19 Program ng DA, nai-release na ng DBM


Nailabas na ng Department of Budget and Management ang Php8.5 billion na pondong ilalaan sa funding requirements ng Rice Resiliency Project (RRP) ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) Kontra COVID-19 Program.
Matatandaan na una nang sinabi ng DA, na ang RRP ay inaasahang makakatulong sa nasa 3 milyong magsasaka sa buong bansa, na layong tiyakin ang availability ng supply ng bigas sa pamamagitan ng pagpapataas ng local rice production kasabay ng 2020 wet season.
Ang programang ito ay ipatutupad sa ilalim ng tatlong sub-projects: Ang Enhanced Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF),
Expanded Inbred Rice Production (Beyond RCEF Areas), at Expanded Hybrid Rice Production.
Ayon sa DBM, ang Php8.5 billion na ito ay hinugot sa pooled savings mula sa unreleased appropriations, alinsunod na rin sa Bayanihan to Heal as One Act. – radyopilipinas.ph