National News
PACQUIAO, MANOK SA PAGKA PRESIDENTE NG PDP-LABAN AYON KAY PIMENTEL
Idineklara si Senador Manny “Pac-Man” Pacquiao bilang kandidato sa pagka-pangulo ng PDP-Laban na nasa ilalim ng pamumuno nila ng kapwa senador na si Koko Pimentel.
Inanunsyo ito ngayong Linggo, kasabay ng ginanap na national assembly ng kanilang grupo, dalawang linggo matapos ang pag-deklara kay Sendaor Bong Go bilang kandidato sa pagka-presidente ng PDP-Laban na pinamumunuan naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Ang national assembly ng dalawang panig ay isinagawa nila sa kabila ng paninidigan nila na iisa lamang ang lehitimong PDP-Laban.
Pahayag naman ni Sen. Pimentel, “Exciting ito dahil malaki ang posibilidad na mananalo tayo sa darating na halalan at ang tunay na PDP-Laban ang magpapatakbo ng ating gobyerno.”
Kamakailan lamang ay umapela sa Sec. Cusi sa Comelec na huwag kilalanin ang PDP-Lanan na pinamumunuan nina Sen. Pacquiao at Sen. Pimentel.
Iginiit din ni Sen. Pacquiao na mas kinikilala ang kanilang grupo ng mga dati nang miyembro ng partido, kasama ang ilan sa mga nagtatag nito.
Sa kabila ng pagtatalong ito ng dati’y iisang partido lamang, tanging ang Commission on Elections (Comelec) lamang ang makapagpapasya kung sino sa dalawa ang lehitimong partido