National News
Pag-angat ng TikTok bilang source ng Balita, Pinakamabilis sa Pinas – Reuters Institute
Nakitaan ng “pinakamabilis” na paglaki bilang pinagkukunan ng balita para sa mga Pinoy ang Chinese short-form video app na TikTok, ayon sa ulat ng Reuters Institute.
Nakitaan ang TikTok ng biglaang pagtaas na may 21% na pinagkukunan ng balita ngayong 2023, kumpara sa 2% lamang noong 2020.
Samantala, nananatiling nangunguna ang mga tech giants na Facebook at ang messaging app nito na Messenger, at Youtube.
Subalit, bagaman sila ang nangunguna, nakitaan ng bahagyang pagbaba ang tatlong platforms, na ipinakita sa ulat ng Reuters.
“Ang online at social media ang pinakapopular na pinagkukunan ng balita sa Pilipinas, with our more urban sample, samantalang mahalaga pa rin ang TV at radyo para sa mga hindi naka-online,” sabi nito.
Sinabi rin sa ulat na “nananatiling largely grim” ang lokal na media landscape kahit na nag-take charge na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taon.
“Hindi tumigil ang mga pag-atake sa mga mamamahayag, na lumala sa loob ng anim na taon ng pamumuno ni dating pangulong Rodrigo Duterte, …,” dagdag pa nito.
Binanggit din sa ulat ng Reuters ang mga kaso ng paglabag sa kalayaan ng pamamahayag, kabilang na ang pagpatay sa beteranong radio broadcaster na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid.
Samantala, patuloy pa rin ang red-tagging sa mga mamamahayag sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Marcos, ayon sa ulat.